Wala lang. natripan ko lang. lumibot ako sa may palengke, sa sentro ng Marikina. Yung malapit sa Sports Center. Oo. Yung sports complex na may fountain sa unahan. Marami palang tagong lugar doon.

"Bayan" ang tawag nila sa lugar na yun. Yun ang sentro ng marikina. Naalala ko nung may nagkwento sakin. Si Luther ata yun. "Aleng may hawak na bayong! Huhuliin ka dyan!" May ale kasing tumatawid sa pedestrian. Eh nakailaw ung pulang signal na bawal tumawid. Hindi narinig ng ale. Malapit na siya sa gitna ng kalsada. "Aleng may hawak na bayong! huhuliin ka sabi dyan!" Tuloy parin yung ale. "Ale! Huhuliin kita!" Nang marining ng ale, dali-dali syang bumalik. Haha.. Strikto kasi sa marikina, lalu na sa bayan.

Syempre naghanap din ako ng mga restaurant sa paligid. Gumagawa kaya kami ng magandang blog! ung "thetastebytes.blogspot.com"!! Haha.. Merong resto dun sa malapit sa simbahan. Cafe Kapitan ung tawag. Nasa loob siya ng parang isang lumang bahay. Antigo yung mga dingding tapos kapis ung bintana. Syempre hanggang sa labas lang ako. May dress code kasi. Eh naka-paa lang ako nun! hehe.. biro lang. naka-tsinelas naman. Sa labas may open space na may ilang mga benches. Masarap magkape dito at magbasa ng dyaryo habang unti-unting sumisikat ang araw.

May eskenita sa likod lang ng Cafe Kapitan. Hindi ko alam kung anong meron dun. Basta pinasok ko yung eskenita. Eh bakit ba? Lakas trip eh. :p Di ko alam san yun papunta. Basta naglakad lang ako. Akalain mong nakarating ako sa ilog! haha.. Hindi na malinis yung ilog ngaun. Hindi naman siya ganun kadumi. Pero hindi rin siya ganun kalinis.

Wala kang makikita sa loob kundi sapatos, sapatos, sapatos! Mga sapatos ni Imelda, ng mga dating senador, dating presidente, pati yata yung sapatos ni BF nung isang araw nandoon eh. Meron din palang mga Mannequin doon sa may taas. Pinapakita nila kung pano gumawa ng sapatos.
Kung mapadpad ka sa Marikina, pumunta ka sa bayan. Magswiming ka sa sports center, magfoodtrip, at bisitahin mo yung shoe museum. Tara, punta tayo minsan. :D
2 ridicule(s):
un o!! nays! haha! e nakasinelas ka ah! so d ka nakapasok?
di ako nakapasok sa cafe kapitan. sa labas lang ako. hehe.. kain tau dun minsan. :D
Post a Comment