Sapatos. Ano pumapasok sa isip mo pag naririnig mo ang "sapatos"? Imelda? Otto? Rusty Lopez? Sa akin Marikina.
Wala lang. natripan ko lang. lumibot ako sa may palengke, sa sentro ng Marikina. Yung malapit sa Sports Center. Oo. Yung sports complex na may fountain sa unahan. Marami palang tagong lugar doon.
Pumunta ko sa may simbahan. Buti nalang madaling magpark doon. Sabado kasi. Pag linggo siguro marami ring tao. Pumasok ako sa may gate ng simbahan. hehe.. naghahanap ako ng comfort room. Akalain mong may bayad pala! Pero wala naman akong magagawa diba? Keysa naman sa puno ako. Marami kayang tao nun. Baka huliin pa ko ng pulis. Hehe.. Ang linis ng CR nila. Mas malinis pa ata sa kwarto ko.
"Bayan" ang tawag nila sa lugar na yun. Yun ang sentro ng marikina. Naalala ko nung may nagkwento sakin. Si Luther ata yun. "Aleng may hawak na bayong! Huhuliin ka dyan!" May ale kasing tumatawid sa pedestrian. Eh nakailaw ung pulang signal na bawal tumawid. Hindi narinig ng ale. Malapit na siya sa gitna ng kalsada. "Aleng may hawak na bayong! huhuliin ka sabi dyan!" Tuloy parin yung ale. "Ale! Huhuliin kita!" Nang marining ng ale, dali-dali syang bumalik. Haha.. Strikto kasi sa marikina, lalu na sa bayan.
Syempre naghanap din ako ng mga restaurant sa paligid. Gumagawa kaya kami ng magandang blog! ung "thetastebytes.blogspot.com"!! Haha.. Merong resto dun sa malapit sa simbahan. Cafe Kapitan ung tawag. Nasa loob siya ng parang isang lumang bahay. Antigo yung mga dingding tapos kapis ung bintana. Syempre hanggang sa labas lang ako. May dress code kasi. Eh naka-paa lang ako nun! hehe.. biro lang. naka-tsinelas naman. Sa labas may open space na may ilang mga benches. Masarap magkape dito at magbasa ng dyaryo habang unti-unting sumisikat ang araw.
Spanish cuisines ang specialty ng Cafe Kapitan. Bawal ang naka shorts at duster. Bawal din nakatsinelas. Bawal nakasando. At oo, bawal ka dun! Hehe.. biro lang, toh naman. :p Eh kung havaianas kaya ang tsinelas mo? papasukin ka kaya?
May eskenita sa likod lang ng Cafe Kapitan. Hindi ko alam kung anong meron dun. Basta pinasok ko yung eskenita. Eh bakit ba? Lakas trip eh. :p Di ko alam san yun papunta. Basta naglakad lang ako. Akalain mong nakarating ako sa ilog! haha.. Hindi na malinis yung ilog ngaun. Hindi naman siya ganun kadumi. Pero hindi rin siya ganun kalinis.
Mainit nun. Bumalik na ko sa may simbahan para sumilong sa puno. Nang makabalik ako, Napansin ko yung isang building dun na parang wala lang. Pero may nakabantay na gwardya. Pinuntahan ko. Museum pala yun ng mga sapatos! Doon nakatago yung ibang sapatos ni Imelda. Oo. Si Imelda Marcos na asawa ni Ferdinand Marcos. May entrance fee. 50.
Wala kang makikita sa loob kundi sapatos, sapatos, sapatos! Mga sapatos ni Imelda, ng mga dating senador, dating presidente, pati yata yung sapatos ni BF nung isang araw nandoon eh. Meron din palang mga Mannequin doon sa may taas. Pinapakita nila kung pano gumawa ng sapatos.
Kung mapadpad ka sa Marikina, pumunta ka sa bayan. Magswiming ka sa sports center, magfoodtrip, at bisitahin mo yung shoe museum. Tara, punta tayo minsan. :D
The Whirlwind of Everyday Work
-
It’s been a long time since I last posted a blog post – well, about a
year! I’ve told myself to keep this blog as my sanity check, if I’m living
my life t...
11 years ago
2 ridicule(s):
un o!! nays! haha! e nakasinelas ka ah! so d ka nakapasok?
di ako nakapasok sa cafe kapitan. sa labas lang ako. hehe.. kain tau dun minsan. :D
Post a Comment